I haven't updated my blog in a while since I'm starting on my tumblr and a lot has been happening at work. Hence, here's the delayed turnback Tuesday entry. I promise to have an entry up tomorrow but enjoy this one first which I got from my multiply blog, hence being in Filipino. Enjoy as always!
Alam kong oozing with emoness and bitterness ang title ng blog entry na ito ngunit uunahan ko na kaya para sabihing hindi siya emo or bitter o kung anumang synonym ng dalawang iyan ang naiisip ninyo. General realization lang kasi ito in life at hindi ito dahil feel kong maging emo ngayon. haha.
Well kung sa title nga, masasabi naman nating inevitable na masira ang mga bagay-bagay dahil sa law of entropy. Totoo nga namang kahit kuta-kutakot na renovation ang gawin mo sa isang lumang building e hindi mo na mababalik ito sa dati nitong ganda at gara dahil naririyan pa rin ang mga cracks na namuo na sa pagdaan ng panahon. At wala ka nang magagawa kundi patuloy na pagandahin hanggang sa tuluyan nang mawasak ito.
Ngunit, mayroon din namang mga bagay na kailangan talaga masira upang higit na pakinabangan. Isipin ninyo na lang siguro ang bakal o kung anumang materyales na binebenta sa junk shop para kahit papaano'y mapakinabangan pa sa ibang paraan. Ang pira-pirasong metal ay tinitipon, tinutunaw at binubuo muli upang mapakinabangan ito uli sa iba't ibang paraan. Oh the wonders of recycling ika nga nila. Pero mabalik tayo sa punto. Wala sanang bagong mapakikinabangan (at hindi kikita ang junk shops) kung hindi nasira ang mga bagay-bagay in the first place. Kung kaya nga, may mga bagay na ang kasiraan ang nagsisilbing kaayusan.
At tulad nga ng sinabi ng oozing with emoness na title ng blog na ito, some things are meant to be broken. At marahil hindi na nga kayang kalabanin ang law of entropy upang magrenovate o refurbish. Yakang-yaka rin naman kasi ito na nga ang maayos at pinakamaayos na kahihinatnan kaya no problem!
Di bale, pwede pa namang marecycle eh pero ibang usapan na iyon haha :p
No comments:
Post a Comment