After a month's worth of disappearance, here's Turnback Tuesdays once again. I got this from my Multiply blog which was mostly written in Filipino. I chose this entry for this week since I was supposed to write about the same concept. Before writing, I remembered I had a similar entry before and voila, here it is. Enjoy, as always, my dear readers!
Isa sa mga pinag-usapan namin sa philo noong nakaraang taon ang konsepto ni Heidegger ukol sa de-distancing. Well, hindi ko siya masyadong naintindihan tulad ng ibang pinag-usapan namin na mula sa pilosopong ito haha pero sa pagkakaintindi ko, ang ibig sabihin lang niya ng de-distancing ay ang paglapit at pagkilala sa isang bagay upang malaman mo kung ano ito at paano mo ito haharapin.
Siyempre, pinag-isipan ko rin naman iyon at ang kahalagahan ng de-distancing para makilala natin ang mga dapat nating makilala sa mundo. Kaso naisip ko rin na kasama ng prosesong ito ang distancing muli. Bakit? Kinakailangang ilayo natin ang ating mga sarili ng tamang distansya mula sa mga bagay na ito dahil iyon ang nararapat para sa atin. Hindi lang sapat na makilala natin ang isang bagay ngunit kailangan alam din natin kung paano makikirelasyon sa bagay na ito. (sabaw na ba? haha)
Kung malabo, ganito lang yan. Sa pagkilala natin sa isang tao, dapat alam natin kung anong distansya ang nararapat sa pagitan mo at ng taong iyon. Maaari kang makakakilala ng mga taong pakiramdam mo hanggang kakilala o kaibigan lang ngunit mayroon din na maaaring maging higit pa sa pakikipagkaibigan (yihee) Dapat alam natin ang hangganan ng ating pakikirelasyon sa taong iyon para hindi lumampas o kumulang ang nararapat na pakikirelasyon sa kanila.
Kailangan lang talaga ng tamang distansya sa ating pakikirelasyon sa ibang tao. At mahalagang panatiliin natin ito unless sigurado tayong kaya pa nating paikliin ang distansya na iyon. Dahil sa huli, tayo at tayo rin ang mabibigo kung umasa tayo ng higit pa sa nararapat.
Marahil isa nga itong malaking note to self para sa akin. haha.
No comments:
Post a Comment