Dahil nga nilulubos ko na ang paggamit ng wikang Filipino rito, isang talang isinulat sa sarili nating wika ang ating babalikan ngayon. Opo, nakasulat po ito sa Filipino bagama't Inggles ang pamagat. Inilathala ito sa pahina ko sa Multiply noong Setyembre 2008. Kung personal ninyo akong kilala, alam ninyong totoo ang talinhagang ginamit ko rito. Hala basa na!
Isa sa mga bagay na bano ako ay ang pagtali ng sintas ng sapatos. Bawat araw na lang ng Diyos, kailangan kong tumigil ng isa o dalawang beses para magtali ng sintas ko. Medyo may kaartehan din naman kasi ako pagdating sa sintas. Ayaw ko ng dinodoble kasi hindi siya magandang tignan para sa akin. haha. the sacrifice that comes with beauty. ayun nga, salamat sa diyos na hindi pa naman ako natatapilok o nadarapa dahil sa sintas ko. Siyempre ingat na ingat din naman ako pag naramdaman ko nang natanggal na siya. Pero yun, wala pa naman masamang nangyayari.
eh sa sintas ng sapatos yun. sana ganoon na lang din sa mga problema.
mahirap talaga kapag hindi naayos ng mabuti ang problema. malaki ang posibilidad na madapa ka at masaktan muli. pero hindi kasi sayo nang nakasalalay ang kaayusan ng problema. At dahil nga roon, mas mahirap nga talagang ayusin ang sintas na iyong problema. Kaya kung madapa ka, may pagkukulang ka ngunit hindi mo rin masisi ng buo ang iyong sarili dahil maaaring bahagi ang iba sa pagkakadapa mong ito. pero kailangan mo lang matuto talagang bumangon muli sapagkat iyon ang mas mahalaga. maaaring madarapa tayo dahil sa mga sintas na hindi natin kayang buhulin ng buo sa ngayon ngunit ang mahalaga'y kapag nadapa tayo, matuto tayong bumangon at kung maaari, subuking muling buhulin ang sintas na bumabagabag sa'yo.
No comments:
Post a Comment