14 August 2011

III. Pananatili

This is a copy of the farewell speech I gave for my Pathways participants at my final general assembly today. It's written in a loose mix of primarily Filipino with English. You might find some errors though since I didn't really edit this before I post in the fear that I might get emotional yet again. Warning: it's quite long and gets emotional at some points! Anyway, here's my tribute to Pathways, my home for the last five years.


Magandang hapon sa inyong lahat. Marahil hindi na lingid sa kaalaman ng karamihan kung bakit ako naririto sa inyong harapan ngayon. Yes, ladies and gentlemen, the rumors are true, hindi na ako ang inyong Educ Dev’t officer simula sa Martes, ika-16 ng Agosto.

Sisimulan ko ang pagpapaalam ko bilang inyong Educ Dev’t officer sa pagbibigay ng rason kung bakit nga ba ako aalis. Tulad nga ng lagi nang sinasabi, it’s not you, it’s me.

It’s me dahil kailangan kong hanapin pa lalo ang aking sarili. Para sa isang CLG o Can’t Let Go na katulad ko, tingin kong napapanahon nang gawin ko ito lampas sa apat na sulok ng Ateneo. Sa labing-walong taong nanatili ako rito sa Ateneo at medyo ganoon na rin nga sa Pathways, baka nga napapanahon nang ako ay mag-move on. It’s time to move on with my life.

And by moving on, ano ba ang mangyayari sa akin? Sa ngayon, nasa kalagitnaan ako ng pag-apply para sa isang MBA abroad. Yaman na rin lamang na abroad ang nais ko, kinapalan ko na ang mukha ko at tinarget ang Stanford at Yale. Ipagdasal ninyo sana ang aking pag-apply sa mga eskwelahang ito lalo na ang pagkuha ko ng mga standardized tests sa susunod na buwan. Malalaman ko na ang resulta nito sa darating na Disyembre at kung hindi pa ito para sa akin sa ngayon, malamang ay magiging corporate warrior ako hopefully sa darating na Enero. Actually, makikita ninyo pa ako sa Pathways mula September 16 hanggang October 15 ngunit matapos noon ay iyon na talaga iyon.

Dahil ang nakatakdang susunod na pagtitipon ay sa October 22 pa, ito na nga marahil kong Pathways college GA. Bagay marahil na ikinalungkot ng iilan at ikinatuwa ng buong bansa. National issue raw? Nabasa ko nga ang inupload na larawan ni Nicole Santos sa Facebook PHE Batch 7 group noong nakaraang linggo. Kasama ng printscreen ng tweet ni koreokei to missCHIIvous ang tanong ni Nicole na “Kaya ba nating hindi malungkot?”

Hindi ba’t isang resounding na kayang-kaya ang sagot? Bakit? Dahil sinabi kong bawal malungkot. Haha. Pero kaya naman dahil wala naman talagang rason para malungkot? Anyare diba? Pero kung tingin ninyong malulungkot kayo, naghanap ako ng kantang tingin kong maaaring makatutugon sa inyong mararamdaman. No, hindi ito California King Bed o Super Bass. Dahil nagsimula naman talaga ako as a CL tutor, naririto ang isa sa mga paborito kong kanta mula sa Hangad, ang Pananatili.



Huwag mong naising lisanin kita. Hindi dapat malungkot sapagkat lilisanin ko lang ang pagiging Educdev Officer. At ni minsan, hindi ko hinangad na lilisanin ko ang pagiging Kuya Tan sa inyo. Matapos man ang pagiging EducDev Officer ko sa inyo at magbago man ang ilang mga bagay na kailangang magbago, lagi ninyong pakaisipin na kasama niyo pa rin ako sa sari-sarili ninyo paglalakbay sa inyong mga buhay. Saan man kayo dalin at gaano man katayog ang inyong marating, naririto pa rin ako nakasuporta sa inyo. Naririto ako at mananatili bilang Kuya Tan ninyo.

Mananahan sa tahanang sisilong sa’yo. Kahit hindi na ako ang mangungulit kapag may mga requirements kayong hindi naisubmit, ang mag-individual consultation at makipagchorvahan sa minsanan nating pakikipag-usap, ang magalit sa mga general assemblies kapag hindi ninyo na ako pinakikinggan, ang magbunyi sa pagbibigay ng P500 sa mga dean’s list awardees, ang magpalabas ng kuta-kutakot na announcements at magpafill out ng sandamukal na forms at evaluations, ang aasarin ninyo ng kung anu-anong maisip ninyo, ang makita ninyong nakaupo sa EDU table o nakahiga at nagnanap sa sofa sa resource center, ang hihingahan ninyo kaagad kapag may problema kayo sa grades o sa favorite ninyong topic na lovelife, ang gagawin ninyong tagabili ng Moonleaf (although pwedeng-pwede pa rin akong ilibre), at ang simpleng kakausapin ninyo sa mga panahong kailangan ninyo ng kaunting happiness o advice, kahit hindi na ako ang official EDU officer ng Pathways na gagampan ng lahat ng roles and responsibilities na iyon, kahit hindi na ako ang lahat ng iyon, tandaang naririto pa rin ako handang gawin ang iisang bagay na alam kong kaya ko at iyon ay ang maging kuya Tan ninyo. Mananatili ako bilang pagtanaw sa isang pamilyang nagmahal sa akin ng buong-buo at walang halong panghuhusga.

Poon mo ay aking ipagbubunyi at iibigin nang buong sarili. Hindi ko man marahil nagawa at malamang ay hindi nga knowing how at times I could be insensitive and ungrateful, nais kong pasalamatan at ipagbunyi ang mga taong nakasalamuha, nagpasensya, at sana’y nagmahal sa akin sa dalawang taon kong bilang staff dito at sa limang taon ko bilang volunteer.

Kay Ate Abby, una sa kanyang pagsuporta sa Fern-C. Salamat at kumikitang kabuhayan namin ito. Salamat sa pangungulit at lalo na sa pagpapasensiya po sa akin lalo na sa mga panahong dinidiskartehan ninyo na ang Accounting para lang maayos ang ating kaperahan. Salamat din sa bonding moments namin ni Yssa na nagsilbing stress relief sa mga panahong andito siya. Sana po ay makapunta na kayo ng HK Disneyland soon.

Kay Ate Rose, na palaging nakasuporta sa mga events lalo na noong mga panahong katuwang talaga namin siya sa pag-asikaso sa mga events. Salamat din po sa pasensya lalo na kapag maingay na ako at ang mga volunteers. Wish ko po ang inyong kaligayahan at isang one-way ticket to Germany.

Kay Ate Donna, na tinulungan ako bilang aking official photographer at pinalakas ang aking portfolio bilang model. Pero siyempre, binibigyan din ako ng chocolates and sweets kapag meron siya. Salamat po sa pasensya rin sa reporting stuff at sana nga’y mapabilis na sa susunod na taon. Siyempre, salamat at sa mga panahon ng kachorvahan at kalokohan lalo na kay Ate Len ay naririyan kayo. Wish ko po ang inyong success sa MBA at siyempre ang lovelife na on its way n asana.

Kay Kat, na sa sandaling panahon niya sa Pathways ay naipamalas kanyang napakalakas na fighting spirit at forever social person. Tulad nga ng sinabi ko before, bilib ako sa’yo at sana’y namnamin mo ang taong igugugol mo sa Pathways kahit na may mga panahong mapapagod ka. Sana rin makabalik ka na sa Korea soon!

Kay Karen, na sabi nga ni Ate Len ay stabler and more organized version ko. Salamat sa pagyakap sa programa at sa pagmamahal na ibibigay ninyo sa mga hinayupak na ito. Kampante kong iiwan ang EDU dahil alam kong ikaw at si Kat ang naririyan. Tulad ng kay Kat, bilib din ako sa’yo at sana’y makuha mo ang mga gusto mo rito sa Pathways.

Kay Miss Len, na kulang na lang ata e balatan ako ng buhay. Salamat sa pag-iintindi at pagtitimpi sa mga panahong nafafail ko siya. Salamat sa paggabay simula pa lamang noong volunteer ako. Lalo na sa pagdevote mo ng oras sa mga walang kakwenta-kwentang bagay na sana ay manatili nang sa atin na lang. Haha. Mamimiss ko ang long and sometimes with substance but most of the time senseless talks natin Ate Len. Malaking bahagi ng kung ano ako through Pathways ay dahil sa’yo at sana’y maggabayan mo pa ang mas marami upang hindi sila maging tulad ko. Haha. Wish ko na magkaasawa ka na, magtayo ka na ng Frozen Yogurt place mo at officially marecognize ang pagiging diyosa mo.

Kay Ate Solvie, salamat po at forever kong matatandaan ang November 4, 2009 kahit ito ay blurred na lamang sa aking memory. Sobrang nagpapasalamat ako at kayo po ang unang naging boss ko ever. Maraming salamat sa pag-iintindi at pagpapasensya rin po. Salamat din sa tiwalang ibinigay ninyo sa aking over the past two years na patakbuhin ang EDU. Sana po hindi kayo nagsisisi. Haha. Wish ko po na sana’y smooth sailing na ang Pathways simula ngayon at siyempre, ang two years nang inaantay ng lahat na magkababy na po kayo ni Kuya Chris.

Sa mga volunteers, salamat sa para bang unlimited na despedida na ginagawa ninyo para sa akin. Sana nga hindi na naging jinx ang ginawa ninyo last night at matuloy na ako ngayon. Tulad nga ng sinabi ko na noong nakaraan, salamat at minahal ninyo ang isang bagay na minahal ko. Patuloy ninyong palakasin ang volunteer group at suportahan at mahalin ang bawat isa. Wish ko na magkaroon na kayong lahat ng love life bilang may curse ata sa volunteer group na ganoon save for the few na meron.

Sa ANI 4N 2006, Enrichment 3rd Year Tanong-A 2006-07, Enrichment 2nd Year Tanong-A 2006-07,ANI 4A 2007, ANI 4A 2009 at ANI 3C 2009, salamat at nagpabola kayo sa akin noong mga panahong tutor ninyo pa ako lalo na sa mga students ko sa Christian Living. Malaking bahagi kung bakit ko minahal ang Pathways at nanatili ako ay dahil sa inyo.

Sa Batch 6, na talagang nasubaybayan ko mula 3rd Year High School hanggang ngayong 4th year College na sila. Salamat sa pagiging mga masunuring bata at lagi kayong nananalo sa best in attendance. Sana’y magsilbi kayong inspirasyon sa inyong mga nakababatang kapatid na mag-DL palagi lalo na’t kayo lagi ang may pinakamalaking percentage ng dean’s list.

Sa Batch 7, na kasabay kong pumasok noon sa Pathways at nakasama ko sa kanilang Enrichment at ilan sa CPC, salamat sa pagkukunwari ninyong tatahi-tahimik kayo pero kaya namang maging pinakamaingay at pinakamaloko. Maraming salamat na kahit hindi ko man kayo directly na-handle noong volunteer pa ako ay inampon niyo ako bilang kuya.

Sa Batch 8, na hindi ko namang itinatangging pinaka mga babies ko dahil volunteer pa lang ako ay kilala ko na sila. Pinakanasasaktan man ako kapag may umaalis sa batch ninyo, siyempre todo support pa rin ako sa mga ginagawa ninyo. Malaki na ang inyong pagbabago mula noong Enrichment at sana’y magpatuloy kayong mag-excel sa kanya-kanya ninyong mga kurso.

Sa Batch 9, na ako pa nga lang pala ang naabutang EducDev. Salamat at kahit madalas ko kayong nasisigawan dahil totoo namang kayo ang pinakamaingay na batch ever I think ay minahal niyo pa rin ako. Masaya ako na naririyan na kayo sa kanya-kanya ninyong mga universities at colleges at sana’y maging DL kayo mula ngayong first sem hanggang magtapos kayo.

Sa Batch 10, na kahit alam kong may takot pa rin especially after halos mangalahati kayo last year dahil sa akin ay napamahal na rin nang lubos. Isa sa pinakamasaya at pinakamaaalala kong moment talaga sa Pathways ay ang inyong Pistang Tampok Pook. Sobrang winner and inspiring lang talaga noon. Tulad ng mga post ko sa FB Batch 10 group niyo ay alam kong kaya niyo lahat na makapasok sa pinakagusto ninyong universities.

Dahil pag-ibig ang alay, sa’yo, mananatili ako. Muli sa mga taong naging pamilya at nagmahal sa akin dito sa Pathways, maraming salamat. Kung sino ako ngayon ay dahil sa inyo. At sana kahit papaano ay may naiwan din akong mabuting alaala o pangaral man iyan sa inyo. Wag na sana yung pagiging bitch ko yung maalala ninyo.

Hindi na ako magsasabi ng sandamakmak na paalala dahil mahaba na rin ito at malapit na tayong magmisa. Nasa blog ko naman na iyon, bisitahin ninyo na lang ang tantannatnat.blogspot.com or follow me on twitter, username koreokei. Nagplug talaga.

Kung may isa man akong gustong ibahagi sa inyo ngayon, ito yun. Sa harap at hirap ng pagbabago, ang tangi raw na nananatili rito sa mundong ito, mayroon pa ring mga bagay at tao na mananatili at mananatili. Sila ang mga pinakatumatak sa puso at buhay mo at masasabing pinakapinahalagahan, pinakapinapalagahan at pinakapahahalagahan sa pagdating ng panahon. At bahagi na ang bawat isa rito sa inyo noon. I will only leave Pathways but I know that Pathways will always be with me. And nobody could ever take that away from me.

Pwede niyo pa naman akong itext o ichat sa FB though warning lang na may certain hours of replying lang ako. Haha.

Huwag nang isiping magwawakas ang paglalakbay. Hindi ito isang pagpapaalam, isa lamang itong paalala na sana’y isama ninyo pa rin ako sa inyong paglalakabay tungo sa inyong sari-sariling tagumpay at kaligayahan. Isa lamang itong paalala na ako ay mananatili. Mananatiling Kuya Tan sa inyo.

Maraming salamat at itigil na ang drama!

<3 Kuya Tan

No comments:

Post a Comment