Minsan, mayroon lang talagang mga taong inuunahan ng damdamin ang isip sa kanilang reaksyon. Sa gayon, nakasasalita o nakasusulat sila ng mga reaksyong walang naidaragdag na mabuti sa sitwasyon.
Sa halip na pag-isipan, intindihin, namnamin at talakayin nang may bukas na puso at isipan, pinipili nilang maglabas ng kanilang mga palagay na sariling mga pagkikiling ang tanging batayan. Kadalasan, humahantong ito sa mga walang katuturang patutsada na sumisira sa pagkatao ng iba.
Sa gayon, bago ka magbigay ng iyong palagay ukol sa isang isyu, siguraduhin mo munang napag-isipan mo ito nang maraming beses. Dahil sa oras na lumabas ito mula sa’yo, hinding-hindi mo na maibabalik ang kasiraan na idudulot mo. At marahil dapat mo ring tandaang hindi lang ang iba ang iyong sinisiraan. Sarili mo rin. Dahil siya ring narurungisan ang bibig na basura ang inilalabas. Minsan nga, higit pa.
Think before you speak or write. Kung walang katuturan at ikasisira lamang ng iba ang sasabihin mo, lulunin mo na lang.
Huwag ka lang sanang mabulunan.
No comments:
Post a Comment