Bunsod ng mga nakalipas na mga kumustuhan, malalimang talakayan, harutan, okrayan, seryosong usapan, chikahan at pagmumuni-muni, kasalukuyan tayong nasa bungad ng isang yugtong walang ipinapangako kundi ang pagiging hitik sa pagbabago.
Nakatatakot. Lagi namang nakatatakot. Sino bang hindi natatakot na mamuhay nang iba sa nakasanayan? Bakit pa nga ba kailangang may mga dumating, lumisan, mag-iba lalo na kung ginhawa na ang katambal na ng nakasanayan? Simple lang ang tugon ko riyan.
Ganoon talaga ang buhay e!
Bago niyo ako sapakin sa mistulang pilosopong tugon, pakinggan ninyo muna ako. Paulit-ulit man nating marinig, totoong-totoo ang salawikaing ang tanging hindi nagbabago sa ating buhay ay ang pagbabago.
People change. Situations change. Needs change. Everything and everyone changes.
Higit sa katotohanang nagbabago ang lahat, naririyan din ang katotohanang pagkakataon lagi ang pagbabago upang matuto, umunlad at higit sa lahat, humakbang tungo sa pagiging Tao, ang sukdulan ng ating pagkatao.
Nakatatakot pa rin? Lagi namang nakatatakot. Ngunit, sino ba rapat ang matakot sa isang bagay na makabubuti para sa kanya pagdating ng panahon? Nakatatakot man ito sa simula dulot ng kawalan ng katiyakan at nakasanayan at ng sari-sariling laban, tandaan lamang na isa itong pagkakataong umunlad at tunguhin ang pagiging Tao.
Marami pang kumustahan, talakayan, harutan, usapan, chikahan at pagmumuni-muni ang darating. Maaaring patuloy mong makita ang sarili mong nasa bungad ng isang yugtong hitik sa pagbabago. Sa isang banda, takot, nguit sa isang banda naman, natutuwa sa pagkakataong kinahaharap.
Sa huli, ikaw din ang magpapasiya. Kaya mo bang ihaya ang takot at ginhawa ng nakasanayan upang yakapin ang pangako at paminsan
No comments:
Post a Comment