06 September 2011

Kaya Pala. (TBTue)

Bilang pagpapatuloy ng paggunita sa sariling wika ang tema pa rin ng Turnback Tuesdays, sinulit ko na ang paglathala ng mga isinulat ko sa aking multiply blog. Isinulat ko ito sa kasagsagan ng aking klase sa Pilosopiya noong Disyembre 2008. Hanggang sa ngayon, isa pa rin ito sa pinakabumubulabog sa aking diwa. Ano ito? Halina't basahin! (Iniklian ko na rin ang Turnback Tuesdays upang makatipid sa titik)


Medyo matagal-tagal ko na ring gustong magblog ngunit ngayon lang talaga ako nagkaroon ng panahon para rito. Actually hiram na panahon lang din ito dahil dapat nagpapahinga na ako para sa immersion trip ko bukas ng hapon. Kaso kating-kati na talaga ako since last Sunday pa para magsulat ukol kay Marcel. Naks, pilosopo ang pag-uusapan! Haha hinde. Para sa pilosopiya kasi, kinailangan naming basahin ang From Faith to Opinion ni Marcel. Isang bahagi lang naman ang nag-udyok sa aking magsulat. Hindi pa nga ito tuwirang tungkol sa pananampalataya o opinyon. Parang aside lang ata ito ni Marcel kumbaga. Haha. At tungkol iyon sa...


Tiwala.

Nabulabog lang ako nang sinabi niyang sa pagtitiwala natin sa isang tao o pangalanan nating sa X, ay ibinabahagi natin ang isang bahagi ng ating sarili at iniiwan sa X na ito. Kung kaya't kapag nawala ang X na pinagtitiwalaan nating ito, para bagang nawala na rin ang bahaging ibinahagi natin sa kanya. Samakatuwid, nailayo tayo sa isang bahagi ng ating pagkatao at kahit papaano'y nakaapekto ito sa ating pagkatao. Kung kaya't sa pagkawalang nagaganap na ito, malaki ang papel na ginagampanan natin dahil kasalanan din natin sa simula't sapul na nagtaya tayo sa X na ito. At kapag higit na malaki ang ating pagtataya, higit na malaki rin ang kawalan na idinudulot nito sa atin. Higit na masakit para sa atin. Na maaaring umabot sa puntong mahirap nang ibigay muli ang tiwala sa iba kahit gaano man kaliit o kalaki ito.

Kaya pala.

No comments:

Post a Comment